
Mahahalagang Hakbang sa Kaligtasan
Lukas 23: 39-43
PAG-ISIPAN
- BASAHIN Lukas 23: 39-43
- Ilan ang magnanakaw?
- ̣Ang MAGNANAKAW #1 ay mapang-insulto at walangpananalig.
- ̣Ang MAGNANAKAW #2 ay nagtanggol kay Kristo. May takot sa Diyos, naniniwalang walang kasalanan si Hesus. Tinanggap niya na siya ay makasalanan at dapat na parusahan.
- Hiniling MAGNANAKAW #2 na iligtas siya ng Panginoon
- Ang reaksyon ni Hesus: Agad syang nagpatawad at tinugon ang kanyang pagnanais ng kaligtasan.
- Ligtas ba si MAGNANAKAW #2? “Oo,” dahil sa kasiguruhan na ibinigay ng Panginoong Hesus.
- Paano ba maliligtas at mapupunta sa paraiso? Humingi ng tulong sa Panginoon. Tanggapin ang pangako ng Diyos
PAANO TAYO MALILIGTAS?
- Makasalanan (v. 39) – tayo ay tulad ng mga magnanakaw na dapat na talagang maparusahan. Hindi makakatulong ang ating pag-insulto sa Diyos.
- Magsisi (v. 40) – tanggapin ang pagiging makasalanan kasama ng kabayaran nito.
- Magpatulong (vv. 41-42) – maari tayong iligtas ng Panginong Hesus na walang kasalanan upang isama sa
kanyang paraiso. Kailangan lamang siyang paki-usapan at siya sa sasagot. Panaligan ang sagot niyang kaligtasan na hindi naka-base sa ating mabuting-gawa kundi sa kanyang sarling kasayahan.
PAGSASABUHAY
- Umabot ka na sa punto ng iyong buhay spiritual na kapag ikaw ay mamatay ngayon din (halimbawa lang)
nakasisiguro kang sa langit (paraiso) ka pupunta? - Ano ang mga bagay-bagay na humadlang sa ‘yo na makarating sa paraiso? (Tulad ng kasalanan…)
- Anong area ng buhay mo na talagang kailangan mo ang tulong ni Lord?