
Kaya Kang Linisin ni Cristo
Marcos 1:40-45
PAG-ISIPAN
- BASAHIN – Lukas 23: 39-43
- Ketong: nagsisimula sa maliit subalit kumakalat sa buong katawan. Marumi ang taong may ketong. Hindi siya katanggaptanggap sa pisikal at sa spiritual.
- Mayaman o mahirap ay tinanatamaan ng ketong.
- Walang itong lunas.
- Ihihiwalay sa iba ang may sakit nito.
- Maaring humantong sa kamatayan
- Maihahambing ang ketong sa kasalanan. Maliit sa simula pero lumalala, nagpaparumi, naghihiwalay sa atin sa Diyos at sa tao, walang lunas at maaring magdulot ng kamatayan
- Ketongin: mapagpakumbaba. Naghahanap ng lunas. May pananalig na humihingi. Malalim ang pangangailangan.
- Ang mga taong makasalanan
- Lunas: hipo ng Diyos. Ang salita nyang nagpapagaling. Dumarating ang Panginoon upang katagpuin ang mga pangangailangan ng tao.
- Paglapit sa Diyos at pagsasabi ng ating pangangailangan.
- Resulta: Pagbabago ng anyo. Paglilinis sa karumihan. Pagpaparangal sa Diyos.
PAANO TAYO MAS MAGIGING MALINIS?
- Ketong (v. 40)
• Ito ang tunay na kalagayan ng tao dahil sa kasalanan.
• Spiritual na ketong ang bumabalot sa ating buhay kaya tayo ay malayo sa Diyos.
• Ito ay patuloy na lumalala at kumakalat.
• Maari itong magdulot ng kapakumbabaan sa ating puso upang lumapit sa Diyos at hingin ang kanyang kagalingan. - Kailangang Gawin (v. 40)
• Lumapit, magpakumbaba at humingi ng tulong sa Diyos.
• Mahabagin siya. Gusto nya tayong tulungan. - Kalinisang Dulot ni Cristo (vv.41, 45)
• Ang hipo at salita ng Panginoong Hesus ay agad-agad na magpapagaling ng ketong (at kasalanan).
• Lilinisin niya tayo at muling ilalapit sa kanyang harapan.
• Ipagsabi mo ang himala ng Diyos
PAGSASABUHAY
- Paano mo masasabi na tunay ka na talagang nilinis ni Lord sa iba’t-ibang kasalanan?
- Ano pa ang mga kailangan mong gawin upang mas mamuhay ka ng malinis kay Lord?
- Kanino mo planong ikuwento ang kalinisang idinulot sa iyo ni Lord?